"YARI SA LITERA"
(Nov 20, 2001)
Nagpapahingang isip
Kumakain ng mamon
Cellphone ko'y biglang nag beep
Nagtext sa akin si Mon
Papatulong daw bukas
Bigla akong nataranta
Bukas pala ipapass
Ang tula sa LITERA!
Tungkol saan? Ilang line?
Di ko talaga alam
Dialed Deney, busy line!
Baka kausap si Pam
Next, tumawag kay Carla
"May I speak to Carla please?"
Dun ko lang naalala
Date sya ngayon sa Libis
Next, tinawagan si Bon
"May I speak to Richie please?
"Kausap ko'y tumugon"
He's with Carla sa Libis"
Patulong naman sana
Ang utak ko ay bugbog
Tumawag kay Diana
Kinana pa raw tulog
Yari na kami ni Mon
Baka ako malagot
Tinetext ko si Anton
Di naman sumasagot
Gawa na lang kung ano
Umupo at nagisip
Isang tulang mabango
Isang tulang pasipsip
"O ms. Santos kay galing"
ms. Santos Santos Santos
Santos... ako'y nailing
Walang ma-rhyme sa "Santos"
Bahala na bukas
Ang utak ko'y nagsara
Wala akong mapa-pass
'Tay na ko sa LITERA

No comments:
Post a Comment